Marcos , inaprubahan ang panukala ng NEDA na palawigin ang import duty cuts sa pagkain, coal products

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na palawigin ang pansamantalang pagbabago ng import duty rates sa iba’t ibang produkto upang matugunan ang supply issues  at temper inflation.

Inaprubahan ni Marcos ang pag-endorso ng NEDA executive order (EO) sa usapin noong Biyernes sa pulong ng NEDA Board na pinangunahan ng Pangulo.

Ayon sa NEDA, ang EO No. 171, na pansamantalang nagpapababa ng Most Favored Nation tariff rates sa karne ng baboy,  mais, bigas, at coal hanggang December 31, 2023, ay naglalayong pagaanin at patatagin ang epekto ng inflationary pressure bilang resulta ng krisis sa Ukraine at Russia, palawakin ang supply sources, at bawasan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa isang pahayag, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang extension ay magbibigay ng kaluwagan sa mahihirap na Pilipino.

Ang Republic Act 10863, o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act, ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo, sa interes ng publiko at pambansang seguridad  sa rekomendasyon ng NEDA, na taasan, bawasan o alisin ang mga existing rates ng import duty.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *