Marcos, inaprubahan na ang 2023-2028 development plan ng PH

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Philippine Development Plan para sa mga taong 2023 hanggang 2028.

Ayon kay Press Undersecretary Cheloy Garafil, na ang development plan ay naglalayung mapalakas ang job creation at mabawasan ang poverty rate sa pamamagitan ng ekonomiya na nakatutok sa high growth.

Dagdag ni Garafil, na ito rin ay magsusulong para sa efficient economic transformation para sa masagana, inclusive at resilient society.

Sinabi pa nito, na ang naturang development plan ay magpa-facilitate sa coordination at alignment ng lahat ng mga departamento at ahensya ng gobyerno para sa single plan, upang iisang direksyon umano ang tatrabahuin ng lahat.

Samantala, binigyang diin naman ng National Economic and Development Authority (NEDA), na siyang bumuo ng development plan, na layunin nito na ma-improve ang investment climate sa Pilipinas sa pamamagitan ng quality employment. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *