Marcos inatasan ng CHED na tugunan ang kakulangan ng mga nurses sa bansa

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Commission on Higher Education na agarang tugunan ang kakulangan ng mga nurses dahil sa migration na siyang nakaapekto sa sektor ng kalusugan sa bansa.

Kasunod ito ng kaniyang pagpupulong kasama ang Private Sector Advisory Council sa MalacaƱang.

Noong nakaraang taon, inamin ni Marcos na hindi sapat ang mga benepisyong ibinibigay sa mga nurses kung isasaalang-alang ang kanilang mga serbisyo at sakripisyo para matiyak ang kalusugan ng publiko.

Samantala, sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera III na nagsasagawa na sila ng mga hakbang para masolusyunan ang naturang problema.

Kabilang ang retooling board non-passers, pagpapatibay ng nursing curriculum na may exit credentials, pag-redirect ng mga non-practicing nurses at pagsasagawa ng exchange programs kasama ang iba pang mga bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *