Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang paglikha ng isang inter-agency task force upang i-streamline ang mga ginagawang paghahanda ng gobyerno para sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Ipinag-utos ni Marcos sa mga local government units, government agencies, at iba pang instrumentalities na tumulong sa Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pagho-host ng FIBA World Cup ngayong taon.

Ang inter-agency task force ay pamumunuan ng chairman ng Philippine Sports Commission.
Magaganap ang FIBA Basketball World Cup Games sa Pilipinas mula August 25 hanggang September 10, 2023.(LEY BAGUIO)