Marcos, ipinag-utos ang pagpapalawig ng e-visas sa ilang foreign nationals

Sa layuning mapalakas ang turismo sa bansa, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na palawigin ang e-visas para sa mga Chinese, Indian, South Korean at Japanese nationals.

Inilabas ni Marcos ang kautusan sa pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) tourism sector group sa Malacañang kung saan pinayuhan ng konseho ang Pangulo na makamit ang government’s economic goals.

Inirerekomenda ng PSAC ang pagsasama ng mga Indian national sa ilalim ng visa-upon-arrival program at ang extension ng e-visa na kasalukuyang magagamit lamang para sa Taiwanese, Chinese, Indian, South Korean, at Japanese nationals.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na nakikipagtulungan na ang DFA sa Department of Information and Communications Technology hinggil sa pagbuo ng mga planong ito.

Kaugnay ng visa-upon-arrival, sinabi ni Manalo na may programa ang DFA,na naaangkop sa ilang Chinese nationals habang ang mga Americans, Japanese, Australians, Canadians, at Europeans ay maaaring magkaroon ng 14-day visa pagdating.

Samantala, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na pinag-aaralan pa ng ahensya ang iba’t ibang connectivity matters, na kailangang i-thresh out kaugnay ng iba pang hurisdiksyon na mag-a-avail ng Philippine e-visa platform.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *