Marcos, kinilala ang Japan sa suporta at tulong lalo na sa aspeto ng peace process sa BARMM

Nagpahayag ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan sa pagiging mabuting host country ng mga overseas Filipinos gayundin sa pagsuporta sa prosesong kapayapaan at pag-unlad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa courtesy call ng Pangulo sa mga miyembro ng Japanese parliament sa Tokyo, Japan kinilala nito ang hindi mabilang na tulong na ibinigay ng Japan sa Pilipinas at mahalagang naging papel ng kanilang gobyerno sa gumagandang tinatahak ng peace process sa Mindanao, partikular ang Japan-Bangsamoro Initiatives for reconstruction and Development.

Matagal na aniyang sumusuporta ang Japanese government sa peace process sa pamamagitan ng iba’t ibang mekanismo tulad ng International Monitoring Team, International Contact Group at ang Independent Commission on policing.

Batay sa record ng gobyerno, umabot na ng ¥51 billion ang Official Development Assistance (ODA) fund na naibigay ng Japan para sa Mindanao simula 2002 hanggang 2019.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *