Marcos, nais magkaroon ng conclusion sa South China Sea accords

Sinisiguro ng Pilipinas ang pagpapatupad sa Declaration of the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at ang maagang conclusion ng epektibo at substantive Code of Conduct (COC) in the South China Sea.

Sa kanyang intervention sa 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit Retreat Session sa Labuan Bajo, Indonesia , sinabi ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na patuloy na hihimukin ng bansa ang lahat ng partido na tumalima sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Giit ng pangulo, kailangang tiyakin ng ASEAN na hindi magiging nexus ang South China Sea para sa armed conflict.

Dagdag nito, na bilang archipelagic maritime nation, advocate ang Pilipinas sa rules-based maritime order na nakaangkla sa 1982 UNCLOS.

Ang pahayag ng punong ehekutibo ay kasunod ng bagong mga insidente sa South China Sea, lalo na sa infringements sa kanilang sovereignty, sovereign rights, at jurisdiction, na nakakaapekto sa mga mangingisda at coastal communities. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *