Marcos nakakuha ng ‘very good’ net satisfaction rating sa pinakabagong SWS survey

Nakakuha ng “very good” net satisfaction rating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations na inilabas ngayong araw.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula December 10 hanggang December 14, 2022, gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa.

Sa resulta ng survey, lumalabas na 75% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang satisfied, 18% ang undecided, at 7% ang hindi nasiyahan sa pagganap ni Marcos bilang pangulo.

Ang gross satisfaction kay Marcos ay tumaas mula sa 71%, ang gross undecided ay bumaba mula sa 21%, at ang gross dissatisfaction ay halos hindi gumalaw mula sa 8% kumpara noong October 2022.

Ang net satisfaction rating ni Marcos ay pinakamataas sa Mindanao na may excellent +72, na sinundan ng very good sa Balance Luzon sa +68, Visayas sa +67, at Metro Manila sa +65 hanggang Disyembre 2022, sinabi ng polling firm.

Kumpara noong October 2022, sinabi ng SWS na hindi nagbago ang net satisfaction rating ng pangulo mula +72 sa Mindanao at +65 sa Metro Manila. Gayunpaman, sinabi ng SWS na tumaas ito ng 11 points mula sa +56 sa Visayas at ng walong puntos mula sa +60 sa Balance Luzon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *