Nakapag-uwi si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng USD13 bilyong halaga investment pledges na kanilang nakuha sa limang araw na working visit sa Tokyo, Japan.

Sa kanyang arrival speech sa Villamor Airbase sa Pasay, sinabi ni Marcos na isa sa mga naging resulta ng kaniyang official visit sa Japan ay ang kasunduan para sa infrastructure development loans para sa konstruksiyon ng North South Commuter Railway (Malolos-Tutuban) at North South Commuter Railway Project Extension na nagkakahalaga ng USD3 bilyon.
Napagkasunduan rin aniya ng Pilipinas at Japan ang kooperasyon sa sektor ng agrikultura, information and communications technology (ICT), seguridad, at iba pa.
Ibinalita rin ng Pangulo ang kaniyang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida para sa higit na pagpapalawig sa ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Muling rin niyang tiniyak na lilikha ng maraming oportunidad ang kanyang administrasyon para magiging optional na lang ang pangingibang bansa ng mga Pilipino.//CA