Marcos, nakipagpulong kina Chinese Premier Li at Japanese PM Kishida

Nagkasundo sina Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Chinese Premier si Li Keqiang na palalimin pa ang partnership ng Pilipinas at China partikular na kapag bumisita ang Pangulo sa China sa unang bahagi ng Enero ng susunod na taon.

Nagkaroon ng maikling pag-uusap ang dalawang lider sa sideline ng ASEAN-Plus Three Summit sa Phnom Penh, Cambodia.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Premier Li na naniniwala siyang dapat magpatuloy ang paglago ng relasyon ng China at Pilipinas at binigyang-diin na ang pagkakapareho ng dalawang bansa.

Inaasahan din niya ang pakikipagtulungan sa Pilipinas para sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea batay sa umiiral na Declaration on the Conduct of Parties sa South China Sea at mga international laws, kabilang ang ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.
#

Kisihida and BBM side chat

Pinaghahandaan na umano ng Japanese government ang inaasahang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Japan.

Ito ang ginawang pahayag ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida matapos ang maikli nilang pag-uusap ni Pangulong Marcos sa sidelines ng ASEAN-Plus Three (APT) Summit.

Sa ngayon, wala pa ring opisyal na petsang itinakda para sa State Visit ni Marcos sa Japan.

Samantala, nagkasundo rin ang dalawang lider na lalo pang patatagin ang ugnayan ng Japan at ng Pilipinas.

Ayon kay Marcos, makaaasa umano ang Japan na ang Pilipinas, pati na rin ang iba pang ASEAN Leaders ay magpapatuloy sa pagde-develop ng mga ideya at mga konsepto para sa pagpapalakas ng economic stability sa rehyon.

Dagdag pa ni Kishida, sa susunod na taon ay gugunitan na ang ika-50 anibersaryo ng friendship and cooperation ng Japan at ASEAN.

Umaasa umano siya na sa mga darating pang taon ay lalo pang lalalim ang ugnayan ng 11-nation member ng ASEAN at ng bansang Japan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *