Marcos – P20/kilo ng bigas, malapit na!

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na malapit na makamit ng kanyang administrasyon ang pangarap niyang P20 per kilo sa presyo ng bigas.

Sa kanyang pagdalo sa KADIWA ng Pasko Caravan sa Quezon City, inihayag ng Pangulo na nakakapagbenta na nang nasa P25 sa kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa market.

Muling naman tiniyak ni Marcos na mas papalawakin pa at gagawing national program ang paglalagay ng mga Kadiwa market sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang LGU’s sa buong bansa.

Magpapatuloy din umano ang Kadiwa caravan kahit na tapos na ang bagong taon.

Umaasa ang punong ehekutibo na isang magandang pamasko ang KADIWA caravan kung saan makaka-mura ang mga consumers habang nabibigyan ng pagkakataaon ang mga magsasaka at maliliit na negosyante nang lugar na pwede nilang pagbentahan ng kanilang produkto.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *