Marcos: Pagtugon sa climate change, collective responsibility ng lahat ng mga bansa

Iminungkahi ni Pangulong Bongbong Marcos sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na palakasin ang cooperation mechanisms, para maabot ang environmental stability at matugunan ang climate.

Ayon kay Marcos, na ang pagtugon sa epekto ng climate change ay ang “collective responsibility” ng lahat ng mga bansa, at igiiit na ang mga developed nations ay dapat may mas malaking papel sa global efforts para bawasan ang mga banta.

Inihayag din ng pangulo, na kailangan na ma-enhance ang climate resilience sa pamamagitan ng pag-gamit ng bagong agricultural technologies upang mapagtibay ang food security cooperation at food self-sufficiency sa rehiyon.

Binigyang diin naman nito na committed ang kanyang administrasyon, sa pagtitiyak sa resiliency at adaptation ng Pilipinas sa “new normal” ng climate change, kung saan isa umano ito sa prayuridad ng gobyerno. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *