Marcos, pinangunahan ang Cabinet Meeting

Naglatag ng kani-kanilang mga prgorama at report ang Department of Agriarian Reform at Department of Energy sa isinagawang Cabinet Meeting kasama si Pangulong Bongbong Marcos kanina.

Ayon sa Office of the President, tinalakay ang mga paraan para matulungan ang mga agrarian reform beneficaries sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng panukala para sa condonation ng bayad sa amortization fees at interest sa ARB loans, pagbibigay ng legal na tulong para sa land disputes, at pamamahagi ng makabagong farm equipment at credit assistance.

Sinabi naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagbigay din status report ang DSWD at DHSUD para matalakay ang mga kinakailangang pagtugon ng Gobyerno sa mga apektado ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.

Samantala, sinabi ni Angeles na hindi natalakay sa Cabinet Meeting ang ilang mga isyu kabilang na ang tensiyon sa pagitan ng China at ng Amerika.

Hindi rin umano napag-usapan ang bagong ulat ng PSA na bumilis ang inflation rate sa 6.4%.

Ayon kay Angeles, hahayaan na umano nila ang Department of Finance na maglabas ng pahayag para rito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.