Marcos, pinuri ang paglalagak ng pamumuhunan ng Japanese energy giant sa bansa

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalagak ng pamumuhunan ng Japanese energy giant na Tokyo Gas Co Ltd sa Pilipinas.

Sa isang pulong na dinaluhan nina Tokyo Gas president at CEO Takashi Uchida at First Gen chairman at CEO Federico Lopez, binigyang-pansin ni Marcos kung paano nagpasya ang Japanese energy giant na mamuhunan sa Pilipinas.

Inihayag ng Pangulo ang mahalagang papel ng liquefied natural gas (LNG) terminal facility ng Tokyo Gas at ng Lopez-owned First Gen sa paglipat ng bansa mula sa fossil fuels tungo sa green energy.

Inaasahang sisimulan ng First Gen ang commercial operation ng LNG terminal nito sa Batangas sa Hunyo o apat at kalahating taon mula nang gumawa ang Lopez firm ng 80-20 partnership sa Tokyo Gas.

Ang Malampaya gas field ay inaasahang mauubos sa loob ng tatlong taon at nagmamadaling magtayo ng mas maraming utility para mahawakan ang inaasahang pagtaas ng importasyon ng LNG.//CA

One thought on “Marcos, pinuri ang paglalagak ng pamumuhunan ng Japanese energy giant sa bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *