Marcos, tutol sa total deployment ban ng Kuwait

Rejected kay Pangulong Bongbong Marcos ang ideya na pagpapatupad ng total deployment ban laban sa Kuwait.

Ito ay kasunod ng pag-ban ng Kuwait sa mga Pilipino, at hindi pag-issue ng bagong visa.

Ani Marcos – ipagpapatuloy pa rin ng bansa ang pakikipagnegosasyon nito para mapabuti ang sitwasyon.

Sa isang panayam, sinabi pa nito na hindi siya komportable sa usapan ng ‘ban’ dahil tila tinutukoy daw nito ay ‘forever’ na ang naturang deployment.

Kung minsan din daw, ban lang nang ban kahit hindi naman tama.

Sa huli, inihayag ng pangulo na ayaw niyang i-”burn ang bridges”, at kailangan ng Pilipinas aksyunan ang sitwasyon.

Itutuloy din aniya ng bansa ang pakikipagnegosasyon sa Kuwaiti government hinggil sa pansamantalang pagsuspende sa pag-iisyu ng visa sa mga Pilipino. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *