Marcos, umaasang irerekonsidera ng CA ang TRO re: Power rate petition ng San Miguel

Umaasa si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na irerekonsidera ng Court of Appeals (CA) ang kanilang hakbang na pansamantalang pagsuspende sa power supply agreement (PSA) sa pagitan ng San Miguel Corp. subsidiary South Premier Power Corp. (SPPC) at ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil, na binigyang diin ni Marcos na ang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng CA laban sa PSA ay magkakaroong  ng labis na “deleterious effect” sa power rates.

Mababatid na ang TRO ay inilabas ng CA 14th Division noong November 24, kasunod ng petisyon na inihain ng San Miguel Corp. subsidiary.

Nag-ugat ang petisyon mula sa desisyon ng Energy Regulatory Commission noong September 29, na nagbabasira sa mga apela ng SPPC, San Miguel Energy Corp., at Meralco na magtaas ng generation charge.

Paliwanag ng ERC, fixed na kasi ang presyo sa PSA, at ang grounds para sa increase na sinasabi ng SPPC at Meralco ay hindi kabilang sa mga exceptions na magpapahintulot para sa price adjustment. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *