Marcos, Xi na muling simulan ang talks re: Joint exploration sa WPS – DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nais umano nila President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping na i-resume ang negosasyon kaugnay sa posibleng joint exploration sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, na gusto ng dalawang lider na muling simulan ang discussion at negosasyon sa oil at gas issues, development, at maraming iba pa.

Una nito, nagkaroon ng bilateral meeting si Marcos sa kanyang counterpart na si Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand ngayong  buwan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na handa umano si Marcos na pumasok sa active consultations at humanap ng mga paraan para maka-abanse sa joint exploration ng maritime oil at gas resources sa pinag-aagawang karagatan.

Matatandaan na inanunsyo noon ng Duterte administration ang termination sa joint exploration talks sa Beijing. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *