MARIIS DRD, magpapakawala ng tubig sa magat dam bukas, October 12

Magbubukas ng isang spillway gate ang NIA MARRIIS Dam and Reservoir Division (DRD) bukas, October 12, 2021 bilang preparasyon sa pagtaas ng tubig sa dam bunsod ng ulan na dulot ng bagyong Maring.

Batay sa inilabas na paabiso ng ahensya, bubuksan bukas dakong alas-3 ng hapon ang gate number 4 ng isang metro at tinatayang magdidischarge ng 200cms.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga mamamayan na malapit sa Cagayan River na maghanda at iwasang tumawid o mamalagi sa mga tabing ilog dahil sa panganib na dulot nito.

Samantala, kaninang alas-11 ng umaga ay nasa 187.24 MASL ang elevation ng tubig sa Magat Dam, may inflow na 176.30cms at 418.89cms naman ang outflow.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *