Naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na umabot na sa 11 ang napaulat na patay habang nasa 7 pa ang nawawala mula sa pananalasa ng severe tropical storm Maring.
Sinabi ng ahensya na bina-validate pa nito ang mga nasabing ulat.
Ipinunto naman ng NDRRMC na pumalo na sa 19,147 na indibidwal ang naapektuhan ng tropical storm.
Kabilang na rito ang 3,221 na residente na na-stranded at kasalukuyang nasa evacuation centers.