Maritime consultancy services sa Parañaque City, pina-shutdown ng DMW sa ilegal na transaction

Pinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang maritime consultancy services sa Parañaque City dahil sa umano’y pag-o-offer ng pekeng trabaho sa mga Pilipinong seafarers.

Ayon kay DMW Officer-in-Charge Undersecretary Hans Leo J. Cacdac, hindi nila hahayaan ang mga hindi lisensyadong ahensya na nagpapanggap bilang “consultancy firms” na magpatuloy ng kanilang operasyong pag-aalok ng trabaho sa naturang sektor, at pagsingil ng malaking halaga ng pera.

Sa imbestigasyon ng DMW, napag-alamang walang valid license o accreditation mula sa ahensya ang R. T. M. Maritime Consultancy Services Corp.

Nakatanggap at nakapagproseso din ng mga application ang kagawaran kung saan nakitang nangongolekta ang isang partner agency ng ‘consultation’ fees na aabot ng P105,000 hanggang P140,000 sa mga aplikante na pinangakuan ng pekeng trabaho sa Dubai bilang mg seafarers.

Kasalukuyang inihahanda naman ang charges kaugnay ang illegal recruitment para sa mga opisyal at personnel ng RTM Maritime Consultancy Corp.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *