Maritime Parade of Lighted Boats, isa sa mga highlights ng Padaraw festival ng Bulan

SORSOGON CITY – Bukod sa launching ng pinakamahabang pag-iihaw ng isdang lawlaw at Padaraw Street Dance Competition, ikinukonsidera ding highlight ng “Padaraw Festival” sa bayan ng Bulan ang Maritime Parade of Lighted Boats.

Ayon kay LGU Bulan Tourism Office Head Elizer Manga, ang nasabing aktibidad ay parada ng mga bangka na ginagamit na panghuli ng isdang lawlaw o tamban na mayroong mga ilaw na nakadesenyo bilang padaraw habang mayroong reynang sumasayaw.

Magpapasiklaban dito sa pamamagitan ng pagandahan ng ilaw kung saan inaaasahan ang dalawampong bilang ng mga kalahok.

Naghihintay naman ang P50K na gantimpla sa tatanghaling panalo, 30K sa ikalawa at 20K sa pangatlong premyo habang pagkakalooban naman ng consolation prize ang mga hindi papalarin.

Gaganapin ang aktibidad sa Mayo 30, ala 7:00 ng gabi sa Sabang Park and Beach Resort.

Ang pagpili naman ng mga mananalo ay gagawin bago pa man ang nasabing mga bangka ay pumarada sa laot kung saan katuwang umano sa aktibidad ang maritime authorities ¬†para na rin sa kaligtasan ng mga kalahok.¬† Mababatid na ang salitang “padaraw” ay lokal na termino na nangangahulugan na paggamit ng ilaw upang ma-attract ang mga isda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *