Showbiz

Mark Anthony, hindi mahirap mahalin ayon kay Claudine

Aminado ang aktres na si Claudine Barretto na naging mapusok sila ng kanyang ex at first love na si Mark Anthony Fernandez nang magtapos ang kanilang relasyon noong 1996.

Sa nasabing panahon ay ginawa nila ang pelikulang “Mangarap Ka.”

Sinabi ni Claudine sa isang virtual conference kasama si Mark para sa kanilang reunion movie na “Deception” na hindi naman talaga mahirap mahalin si Mark.

Pero ayon kay Barretto, wala talagang naging closure ang pagtatapos ng kanilang relasyon noon.

Ipinunto ng aktres na na-ghosting niya si Mark noon, kung saan ay isang araw ay na-realize niya na mas mahalaga ang kanilang mga career.

Iginiit naman ni Barretto na nangyari ang kanilang break-up sa panahon na nambabae si Mark.

Sa kabila niyan ay sinabi ni Barretto na si Mark ang pinakamabait sa lahat ng kanyang nakarelasyon , at kahit kailan ay wala silang sinabi na masama laban sa isa’t-isa.

Iginiit naman ni Fernandez na hindi naman talaga sila naging magkaaway kahit hindi sila nagkaroon ng closure at kung tutuusin ay nanatili silang friends.

Pinanindigan naman ni Fernandez ang kanyang naunang deklarasyon sa isang interview na “love is lovier the second time around” para sa kanilang dalawa.

Mababatid na magsisimula ang kanilang lock-in shoot sa June 11 sa Angeles at San Fernando, Pampanga sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago