Mark Barriga, bigong nakuha ang WBO junior flyweight

Nabigo si Mark Barriga na makuha ang WBO junior flyweight laban kay Jonathan Gonzalez mula Puerto Rico via ‘unanimous decision’.

Magagandang suntok ang pinakawalan ni Barriga sa una at kalagitnaan ng match kung saan nagtamo ang kalabang si Gonzalez ng hiwa sa kaliwang panga at pamamaga sa kanang mata.

Ngunit hindi naman nagpatinag si Gonzalez at itinodo ang laro hanggang sa huling parte ng laban kung saan tuluyan na niyang natalo ang pambato ng Pilipinas na si Barriga.

Samantala, nagpasalamat naman ang naturang boksingero sa lahat ng mga sumuporta sa kanya at sinabing sasailalim siya sa mandatory medical exams. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *