Marked vehicle ng Philippine Air Force, naaksidente sa bayan ng Quezon

Naaksidente ang isang Marked vehicle ng Philippine Air Force sa bayan ng Quezon ngayong Martes, ika- 18 ng Oktubre 2022.

Iniulat ng pulisya na nangyari ang aksidente ganap na 6:30 ng umaga sa KM 35 ng Tabon Crossing, Barangay Tabon, Quezon Palawan.

Ito ay minamaneho ni A1C Nico John Pesebre habang kasama niya ang tatlong iba pa.

Napag-alaman sa imbestigasyon na may kargang 10 drum ng gasolina ang behikulo nang ito ay maaksidente matapos na mawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber.

Samantala, nagtamo ng galos sa katawan ang mga sakay nito na agad umanong dinala sa Quezon Medicare Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *