Local News

Market Day sa dinarayong Tulay na Bato balik na ulit ngayong Biyernes

BASUD, CAMARINES NORTE- Balik na ulit ang Friday tiange o market day sa dinarayong Tulay na Bato sa Bayan ng Basud, Camarines Norte simula ngayong Biyernes.

Yan ay matapos na pansamantalang ipatigil ang ilang taon nang nakagawiang market day noong nakaraang Linggo makaraang isailalim ang naturang bayan sa General Community Quarantine na dapat sana ay tatagal ng 14 na araw.

Ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine restriction sa naturang bayan ay upang mapigilan ang pagkalat pang lalo ng sakit dahil na rin sa pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19

Pero halos dalawang araw lang naipatupad ang GCQ matapos na i- recall ng Provincial Incident Management Team ang Executive Order ng Alkalde dahil taliwas umano ito sa Executive Order ng Gobernador.

Pero kahit balik na ang market day, inihayag ng LGU Basud na lilimitahan lang ang mga papayagang maglagay ng stall sa lugar para sa kanilang mga paninda.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco, 50 % lang muna ng mga stall ang kanilang papayagang magbukas at ang bibigyang prioridad ay ang mga taga Basud.

Mahigpit umanong ipapatupad ang health protocols sa lugar tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.

Kapag mas mababa na o halos wala nang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan ay unti- unti nang papayagan muling magbukas ang mga stalls.

Nananatili namang sarado ang kapilya ng Poong Nazareno na dinarayo ng daan- daang deboto mula sa iba’t- ibang panig ng lalawigan.

Mula nang magkaroon ng pandemya noong isang taon ay hindi pa ito muling nabubuksan kahit pinapayagan ang religious gathering sa 50 % capacity.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

18 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

18 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

18 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

18 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

18 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

18 hours ago