Marlon Tapales bagong WBA at IBF world super bantamweight champion

Naagawa nang dating bantamweight world champion na si Marlon Tapales ang WBA at IBF world super bantamweight belt sa split decision kay Murodjon Akhmadaliev nitong Linggo sa Boeing Center sa Tech Port sa San Antonio, Texas.

Sa unang round pa lamang ay pinamalas na ng Pinoy boxer ang kanyang galing sa technical boxing matapos makakonekta ng mga jabs sa mukha ni Akhamadeliev.

Sinubukan naman ni Akhmadaliev na makabawi mula sa mga nakuhang puntos ni Tapales.

Ngunit naging sapat ang kalamangang naipundar ni Tapales para masungkit ang split decision win kontra Akhamadeliev, dalawang judge ang pumabor sa kanya 115-113 habang isa namang judge ang umayon kay Akhamadeliev 118-110.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *