Marriage proposal ng MMA fighter ni-reject ng JOWA matapos matalo sa laban

Nabigo ang amateur Mixed Martial Arts (MMA) fighter na si Lukasz Bukovac sa kanyang dalawang beses na pagkatalo.

Unang sumalang si Lukasz sa two-on-one cage fight kasama ang kanyang partner na si Patrick Horvath laban kay Jan Michalek.

Nabigo si Lukasz sa kanilang pagkatalo dahil nagwagi parin si Jan kahit dalwa na sila ni Patrick.

Kahit natalo sa laban, nag-propose parin si Lukasz sa kanyang girlfriend sa ibabaw ng ring, at sa harap ng 20,000 katao.

Pangalawang beses nakaramdam ng pagkatalo si Lukasz dahil sa pag-reject sa kanyang girlfriend sa marriage proposal.

Ayon sa girlfriend nito, hindi naging tapat si Lukasz at may iba pa itong babaeng nilalandi.

Ito ay naging dahilan kaya ayaw pakasalan ang MMA fighter, ngunit itinanggi nya ang mga alegasyon ng girlfriend na nag-cheat sya dito. (BRIGADA INTERN- HANNAH MAGNAYE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *