Mas mahigpit na implementasyon ng Proper Waste Segregation sa Brgy. New Kalalake magsisimula na

Magsisimula na sa Lunes, August 8, ang mas mahigpit na implementasyon ng Proper Waste Segregation sa Brgy. New Kalalake, Olongapo City bilang pilot barangay ng syudad.

Ayon kay Kap. Randy Sionzon, tuwing Lunes at Huwebes ay kokolektahin ng barangay ang mga recyclable waste.

Kapag Martes at Byernes ay mangongolekta naman ang Environmental Sanitationand Management Office.

Kapag araw naman ng Sabado ay mangongolekta ang barangay ng special waste samantalang ang ESMO umano ang araw-araw na kukuha ng residual waste.

Kapag hindi naka-segregate ang basura o kaya ay inilabas sa hindi tamang schedule ay hindi ito hahakutin.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Information Center

Leave a Reply

Your email address will not be published.