NAGA CITY – Mas mahigpit na seguridad ang ikakasa ng Incident Command Team ng Provincial Government ng Camarines Sur sa Kaogma Festival bunsod ng muling pagkaka-kumpiska ng Drug Paraphernalia kagabi mula sa isang internet technician na residente ng Minalabac na planong pumasok sana sa venue.
Una nito, dalawang estudyante na mula sa bayan ng Ragay at Sipocot ang nakunan din noong nagdaang linggo sa Opening Day mismo ng naturang okasyon.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Pili Vice Mayor Francis Belen, sinabi nito na nakarating na ang mga pangyayari sa kaalaman ni Gobernador Luigi Villafuerte at inatasan na nito ang PNP gayundin ang Civil Security Unit o CSU na paigtingin pa ang isinasagawang pagbabantay sa lugar ng mga pinagdadaosan nang mga konsyerto at iba pang aktibidad.