Mas malalaking aktibidad gaganapin sa Dinamulag Festival ng Zambales

Asahan na ang mas malalaking mga aktibidad na gagawin ngayong taon sa pagbabalik ng Dinamulag Festival ng Zambales.

Ito ay matapos ang tatlong taong pagkakaantala ng pagdiriwang dahil na rin sa mga restriksyon ng pandemya.

Bagamat sa buwan pa ng Abril ang mga major events ng Dinamulag ay nagsisimula na ang Pamahalaang Panlalawigan sa paghahanda ngayon.

Ilan lamang sa malalaking event ay magbubukas ng siyam na mango picking sites sa iba’t ibang bayan, kauna-unahang Philippines Mango Derby na gaganapin sa Paluig, 3rd Luzon Mango Congress sa Botolan, Motocross, Road race bike, Mountain bike challenge, 4×4 off road challenge at marami pang iba.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Zambales Tourism

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *