Mas maraming criminal complaints, asahan umanong ihahain laban kay Bantag – BuCor

Mas marami pang criminal complaints ang ihahain laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Q. Bantag.

Ayon kay BuCor Acting Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang bagong reklamo ay ihahain ng BuCor personnel na sinasabing sinaktan at minaltrato ni Bantag.

Sa ngayon, nahaharap na si Bantag ng dalawang murder cases, at torture at physical injuries complaints sa Department of Justice (DOJ).

Samantala, sinabi ni Catapang, na patuloy ang pangangalap ng BuCor ng mga ebidensya laban kay Bantag para sa plunder sa P900 million project para sa konstruksyon ng tatlong prison facilities.

Dagdag nito, lumutang ang mga testigo at nagpahayag na handa silang tumestigo laban sa suspended BuCor chief.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *