Mas maraming parusa vs Teves, posible dahil sa asylum application – House panel

Nakatakdang imbestigahan ng House Committee on Ethics ang application ni suspended Negros Oriental Rep Arnolfo Teves Jr.  para sa hiling nitong political asylum sa Timor Leste.

Ayon kay House ethics panel chairperson Felipe Espares ng COOP-NATCCO party-list ang isasagawang pagsisiyasat ay posibleng magresulta pa sa mas maraming sanction laban sa mambabatas.

Ani Espares, sakaling makakita sila ng pareho at nagpapatuloy na mga paglabag, magkakaroon ang komite ng motu propio jurisdiction, at pag-uusap kaugnay sa mga idagdag na parusa.

Sa huli, iginiit ng opisyal na mabigat ang ginawang pag-a-apply ni Teves ng politial asylum.

Samantala, magpupulong pa ang Ethics panel sa May 23, isang araw matapos ang pagtatapos ng 60-day suspension ni Teves. //SM edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *