Mas maraming PH medal, ‘at risk’ sa Cambodia SEA Games – POC president

Pinal nang inanunsyo ng Cambodia ang 608-event at 49-sport program para sa 32nd Southeast Asian Games, na itinakda sa May 5-16 sa susunod na taon sa Phnom Penh at Siem Reap.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, ito ang pinakamalaking SEA Games pagdating sa mga events, at isa rin na labis na makakabenepisyo ang host nation.

Paliwanag kasi ni Tolentino, na nagpatupad ang Cambodia ng panuntunan kung saan tanging ang host nation lang ang maaring magpuno ng 100 percent participation sa combat sports o martial arts, habang ang ibang mga bansa ay limitado lang sa 70 percent ng mga events sa sport.

Dahil dito, binigyang diin ng POC presidente na nanganganib ang tsansa ng Pilipinas para sa maraming mga medalya.

Mababatid na tinutulan ni Tolentinto sa naturang rule sa kailang SEA Games Federation meetings, pero sinasabing ginaya ng Cambodians ang 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, kung saan nagpatupad ng kaparehong regulasyon ang Malaysia.

Payo nalang nito sa mga atleta, na tumututok at magsanay ng mabuto para makuha ang maraming inaasam na panalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.