National

Mas maraming pulis sa kalsada, mas kailangan kaysa sa armasan ang mga sibilyan – Sen. Villanueva

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Senador na tutol at hindi sang-ayon sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng armas ang mga sibilyan na umano’y katulong sa paglaban sa kriminalidad.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, hindi ito kailangan sapagkat hindi naman kulang ang nasa mahigit 400,000 na mga pulis at sundalo sa bansa.

Aniya, sa halip na armasan ang mga sibilyan, mas paigtingan na lamang ang police visibility o ang pagpapakalat ng mas maraming pulis sa lansangan.

Magkaroon din aniya dapat ng mas malawak na CCTV network at magkaroon ng 911 emergency hotline service para sa agarang pagresponde sa tawag ng publiko.

Ipinunto ng mambabatas na ang pagtiyak sa peace and order ay katungkulan ng gobyerno na hindi maaaring isapribado o iatas sa mga sibilyan na hindi naman dumaan sa mahabang pagsasanay sa paghawak ng baril.

Mababatid na nauna nang kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang mungkahing ito ng Pangulo kung saan sinabing hindi ang pagbibigay ng baril sa mga sibilyan ang nakikitang solusyon upang masawata ang mga krimen.

Samantala, dagdag pa ni Sen. Villanueva, hindi ang pag-aarmas sa mga sibilyan ang dapat ngayong tutukan kundi ang pagtugis sa iligal na bentahan ng baril sa bansa.

BNFM Batangas

Recent Posts

Cedric Lee nakakulong na sa New Bilibid Prison

Nakakulong na sa New Bilibid Prison ang negosyanteng si Cedric Lee matapos na matanggap ng…

1 hour ago

Isang lalaki sa Russia inaresto ng mga otoridad dahil sa kulay ng kanyang buhok

Dahil sa hair color, inaresto ng mga otoridad sa Russia si Stanislav Netesov. Ipina-dye kasi…

1 hour ago

Bagong kanta ng SB19 na moonlight inilabas na

Heads up A’tin! Inilabas na ng Ppop super group na SB19 ang kanilang pinaka bagong…

2 hours ago

40 degrees Celsius o higit pa asahan ngayong weekend sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE - Asahan pa rin ang matinding init ng panahon na mararanasan sa lalawigan…

2 hours ago

Flexible work arrangement maaaring i-adopt sa gitna ng nararansang matinding init ng panahon ayon sa CSC

CAMARINES NORTE - Inihayag ng Civil Service Commission na maaaring i-adopt ng mga opisina ng…

2 hours ago

Ordinansa patungkol sa pagbibigay ng special protection sa mga bata kapag may kaguluhan aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng SB Basud

CAMARINES NORTE - Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ang “Children…

2 hours ago