Pinalawig hanggang sa Disyembre ng susunod na taon ang mas pinababang import rates sa bigas, mais, at meat products para makatulong sa posibleng epekto ng El Niño.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 50 matapos magpahayag ng pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos kaugnay sa posibleng negatibong epekto ng tagtuyot sa presyo at produksyon ng bigas at mais.
Habang maaari ding makaapekto sa presyo ng karne ang patuloy na pagkakaroon ng kaso ng African Swine Fever.
Ang pagpapababa sa bayarin sa import duties ay tatagal hanggang sa Dec. 31, 2024.
Ang board ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang nagrekomenda kay Pangulong Marcos para palawigin ang pinababang import rates.
Sa ilalim ng Section 1608 ng the Republic Act No. 1086 o ang Customs Modernization and Tariff Act, may kapangyarihan ang pangulo ng bansa na itaas, ibaba o alisin ang bayarin sa import duty. (DDC)
#
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…