Mas pinagandang Rizal Park ng Koronadal, binuksan na sa publiko

KORONADAL CITY – BUKAS na sa publiko ang mas pinagandang Rizal Park ng Koronadal.

Ito ay matapos na pormal nang itinurn-over sa pamahalaang lungsod ang mahigit 36.5M pisong Rizal Park Development Project Phase 1 at 2.

Ang nasabing proyekto ang mula sa Department of Budget and Management (DBM) sa inisyatibo ng Special Projects Unit ng lungsod.

Sa Phase 1 ng parke, makikita ang mas pingandang welcome arch, naka-landscape na higanteng chess board, picnic cottages, gazebos, at iba pa.

Samantalang sa Phase 2 makikita ang patapos nang Aviary Dome at ang nakakaaliw na Interactive Musical Fountain na may musika at makukulay na ilaw.

Ipinagmamalaki naman city government na walang ginastos na pondo ang lungsod dahil ang pondong ginamit sa nasabing proyekto ay nanggaling lahat sa Local Government Support Fund (LGSF) ng DBM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *