Inihayag ng Dept of Health Bicol na nagkaroon na naman sa Rehiyon ng mga kaso ng measles o tigdas at Rubella.
Ang lalawigan ng Masbate ay nakapagtala ng isang kaso ng measles at isang kaso ng Rubella, ito ay unang semester ng taong kasalukuyan o mula Enero hanggang Hunyo.
Ayon sa kay National Immunization Program Regional Manager ng DOH Bicol na si Dr. Desiree Bricenio, wala pa namang outbreak na naitatala sa rehiyon.
Maliban sa Masbate, nagkaroon din ng isang kaso ng measles sa Camarines Sur at tatlong kaso naman ng Rubella.
Dagdag pa ni Bricenio, ang mga sakit na ito ay vaccine – preventable disease sa rehiyon lalo na sa mga school-age-children.
