Masbate, nanguna sa may pinakamaraming gun violators sa rehiyong Bicol

Nasa 16 na gun violators ang naitala sa rehiyong Bicol.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News mula sa Police Regional Office 5 (PRO5), nanguna sa may pinakamaraming gun violators sa rehiyon ang naturang lalawigan na sinundan ng ng Naga City at Camarines Sur, pumangatlo ang Sorsogon at sinundan ito ng Albay at Catanduanes.

Ayon pa sa mga awtoridad, sa 16 na gun violators na naaresto, 6 dito ang naitala sa Masbate, tig-tatlo sa Naga City at Camarines Sur, dalawa sa Sorsogon habang tig-isa sa Albay at Catanduanes.

Ayon sa Comelec Resolution No. 10918, maliban kung awtorisado; ipinagbabawal ng Comelec ang pagdadala ng mga baril at iba pang โ€˜deadly weaponsโ€™ sa labas ng tirahan, lugar ng negosyo at sa lahat ng pampublikong lugar.

Matatandaan na nagsimulang ipatupad ang gun ban noong Agosto 28 kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at magtatapos sa Nobyembre 29 nitong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *