Masbate, pamumunuan ng isang pamilya

SORSOGON CITY – Pamumunuan ng pamilyang Kho ang lalawigan ng Masbate, ito ay matapos na makamit ang landslide victory ng tatlong anak ang tatlong distrito ng lalawigan habang ang mag-asawang Kho ay panalo rin bilang gobernador at bise-gobernador.

Muling nahalal si Antonio Kho bilang gobernador, ang kanyang running mate na si dating Congresswoman Elisa Kho bilang vice-governor.

Samantala, ang tatlong anak nito na sina Ton Ton, dating vice-governor Ara at Richard ay uupo bilang 3rd, 2nd at 1st District Representatives, respectively.

Natalo ng pamilyang Kho ang pamilyang Bravo at Lanete.

Leave a Reply

Your email address will not be published.