Masbate Sports Arena, poponduhan ng tatlong Senador

Magkakaroon na ng bagong Sports Arena ang lalawigan ng Masbate kapalit ng Masbate Cultural Sports Complex na gusali na itinayo noong kalagitnaan ng dekada 70 at giniba noong 2014.

Ayon sa gobernador ng lalawigan na si Antonio Kho, hinihintay na lamang nila ang go-signal ng Commission on Audit (COA) para masimulan na ang nasabing proyekto.

Maaga naman na nagpasalamat ang gobernador sa tatlong senador ng bansa na siyang magpopondo sa nasabing sports arena. Ito ay sina Senators Chiz Escudero, Aquilino Pimentel III at Manuel ‘Lito’ Lapid na naglaan ng P200M bawat isa habang ang Speaker of the House na si Martin Romualdez ay nagbigay ng pangakong P300M at ang iba ay sasagutin na ng Pamahalaang Panlalaeigan ng Masbate.

Inilarawan din ng gobernador na ang istruktura ng Masbate Sports Arena ay ‘aseismic’ o maaaring makayanan ang ‘seismic shock.’

Aabutin ng P940M o halos P1B ang halaga ng pagtatayo ng naturang istruktura.

Paiigtingin ng Masbate Sports Arena ang industriya ng turismo sa aspeto ng entertainment at makatutulong din sa mga mamamayan na naghahanap ng trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *