Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Masinloc, Zambales ang tulong sa mga rice retailers na apektado ng umiiral na price ceiling sa regular milled at well-milled rice.
Ayon kay Sec. to the Mayor Glenn Elayda, kabilang sa magiging tulong ng LGU ay ang pagpapahiram ng bigas na nagkakahalaga ng 25-thousand pesos sa mga ito na mayroon lamang 1% interest per annum.
Ang bigas naman ay bibilhin ng Masinloc sa mga lokal na magsasaka ng bayan para matulungan rin ang mga rice retailers.
Kahapon ay pinulong ni Mayor Arsenia Lim ang 29 na retailers at pinag-usapan ang mga gagawin.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: EnricoMartin Decker De Dios
