MASO Daraga, dobleng paghihigpit sa animal quarantine checkpoint sa Brgy. Villahermosa upang matiyak ang ligtas na pagpapasok ng hayop

LEGAZPI CITY – Dobleng paghihigpit ang ginagawa ng Municipal Agriculture Service Office (MASO) ng Local Government Unit (LGU) Daraga sa Brgy. Villahermosa sa kanilang animal quarantine checkpoint.

Ayon sa nabanggit na opisina, hindi nila pinapapasok ang delivery trucks na may dalang karneng baboy o anumang klase ng produkto o hayop na walang dokumentong ipinapakita lalo na kung mula sa mga red zone areas o mga apektado ng African Swine Fever (ASF).

Pakiusap nito na magkaroon ng kooperasyon ang bawat residente upang maprotektahan ang livestock industry at maliliit na hog raisers o backyard raisers ng mga buhay na baboy.

Hiling din sa mga byahero na iwasan na muna ang pagbili ng nasabing hayop na positibo na ASF.

Kung matatandaan, ang lunsod ng Legazpi ay nakahuli ng mga baboy mula sa lalawigan ng Sorsogon dahil bagsak-presyo ang mga ibinibenta nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *