Mass wedding sa Daraga, Albay, nakatakdang isagawa sa araw ng mga puso

Nakatakdang isagawa ng lokal na pamahalaan ng Daraga, Albay ang Casa Miento de Cagsagawa Mass Wedding na magbibigay ng libreng kasal sa mga Daragueño sa darating na araw ng mga puso, Pebrero 14, 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Honey Beth Sullivan, Public Information Officer ng nasabing LGU, sinabi niyang sa ngayon ay mayroon nang labimpitong nagparehistro sa nasabing aktibidad.

Aniya, ang nasabing aktibidad ay bukas para sa lahat ng mga mag-asawa na nais magpakasal.

Dagdag pa ni Sullivan, parehas lamang sa mga normal na kasal ang mga dokumentong kinakailangan ng mga gustong magparehistro sa mass wedding.

Ito umano ay magsisimula sa oras na alas 9 ng umaga at gaganapin sa Cagsawa Ruins Park sa kaparehong bayan.

Bukod sa mass wedding, marami rin ang mga nakapilang aktibidad ngayong buwan sa Daraga tulad ng job fair, shooting competition, drag race at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *