Massive canal de-clogging ginagawa pa ng NIA bilang paghahanda sa Typhoon Season

NAGA CITY- Tuloy-tuloy ang paghahanda ng National Irrigation Administration (NIA) Camarines Sur sa paparating na Typhoon Season.

Nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Hulyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kaya kasama sa mga ginagawa ang massive canal de-clogging upang hindi umapaw ang mga irigasyon na magiging dahilan naman ng pagkalubog sa tubig ng mga panamin.  Ayon kay NIA Camarines Sur Head Engr. Luis Bragais, sinabi nito na naka standby ang kanilang backhoe, naayos na ang may mga sira na irigasyon.

Pero na hindi niya pa masasabing 100% na silang handa depende pa aniya ito sa mga district offices; problema kase ng ilang communal irrigation system ang maintenance ng project lalo na’t hindi na naoobliga ang mga magsasaka na magbayad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *