Masterlisting at profiling sa mga babakunahang batang 5- 11 -anyos sa Camarines Sur, nagsisimula na

NAGA CITY—Posibleng sa huling linggo ng kasalukuyang buwan o sa unang linggo ng Pebrero magsisimula ang bakunahan para sa mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang sa Camaligan, Camarines Sur.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Nonoy Severo, Municipal Health Officer ng Camaligan.

Aniya, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng paglilista at profiling sa mga batang maaaring maturukan ng bakuna oras na may dumating ng supply nito.

Posible rin aniya ang pagsasagawa ng house-to-house vaccination sa mga nabanggit na age group lalo pat mataas ang risk na mahawaan sila ng COVID-19 kapag naexpose sa labas ng bahay.

Samantala, nasa 98% na sa 70% target ng total population sa Camaligan ang nababakunahan na habang umaabot narin sa 2,281 para sa kabuuang target na 3,000 na Pediatric Population ang mga nabakunahan na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *