Mataas na blood sugar at altapresyon ilan sa mga natest sa Camaligan, Camarines sur kaugnay ng PhilPEN risk assessment ng DOH

NAGA CITY – Mataas na blood sugar at altrapresyon ang ilan sa mga natest at nakita sa mga residenteng nag-eedad 20 pataas ng Municipal Health Office ng Camaligan, Camarines Sur kaugnay sa Mass Philippine Package for Essential Non-Communicable Diseases Interventions (PhilPEN) Risk Assessment Activity ng Department of Health- Bicol mula March 1 hanggang March 31, 2023.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay MHO Head, Dr. Nonoy Severo.

Nakitaan na rin ang ilan ng cancer lalo na ang breast cancer sa mga babae. Ayon pa sa Doctor, ang nasabing programa paraan upang maiwasan ang paglala ng mga sakit lalo na’t napabayaan dahil sa pandemya, marami ang naging diabetic, mga nagkasit sa puso at dumami ang mga nagpapa dialysis.Sa ngayon wala pa sa 10% ang na-check o narisk assess ng MHO.

Isinasabay na rin ang pagbibigay ng bitamina, gamot at konsultasyon sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *