Kinumpirma ni Soreco 1 District Chief Nemecio Guantero na bukod sa mga maliliit na hayop na umaakyat sa mga poste ng kuryente, mga dumidikit at nahuhulog na sanga ng mga kahoy, ang mainit na panahon ang isa sa sanhi ng mga unscheduled power service interruption.
Paliwanag ni Guantero, sa panahon kasi ng tag-init ay mataas ang demand sa kuryente kung kaya naaabot ang peak load partikular na ng mga transformer na nagreresulta sa mga trip off.
Aniya, dahil sa sabaysabay na paggamit ng halos lahat ng mga appliances tulad ng electric fan, aircon, refrigerator at iba pang mga kagamitan ay tumataas ang pangangailangan sa kuryente, mas mataas kaysa sa average supply level.
