Mataas na opisyal ng NPA na may kinakaharap na mabibigat na kaso, arestado

Himas rehas na ang isang high-ranking NPA officer na may patong-patong na mabibigat na kaso sa Brgy Bolo, Masbate City kasunod ng pagpapalabas ng warrant para sa kanyang pag-aresto.

Ang akusado ay kinilalang si Dolores Rapsing Bilibit alias Oyeng, Secretary ng Sangay Ng Partido sa Lokalidad (SPL), Paltun 1, Kilusang Larangan Gerilya North, Southern regional Command 4 sa ilalim ng Jose rapsing Command na nag-ooperate sa buong lalawigan ng Masbate.

Si Bilibit ay nahaharap sa dalawang kasong International Humanitarian Law, Genocide and other Crimes against Humanity at dalawang counts ng murder parehong walang mga piyansa.

Dagdag pa ang kasong attempted murder na may piyansang P120K.

Ang matagumpay na pag-arestong ito ay hindi magiging posible kung wala ang pagtutulungan ng ilang ahensyang nagpapatupad ng batas, kabilang ang CIDG Masbate PFU, 961B Charlie Company, 94th SAC 9th SAB, PIU Masbate PPO, at Masbate CPS.

Ang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Masbate PFU para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *