Mataas na pamasahe sa mga tricycle sa Bacacay, Albay, hinaing ng mga residente

Patuloy ang panawagan ng mga residente ng bayan ng Bacacay, Albay na pababain na ang presyo ng pamasahe sa mga tricycles ayon sa Bacacay MPS.

Ayon kay PMaj. Irvin Bellen, chief of police ng nasabing himpilan, isa umano ito sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng unang plano na magpatupad ng strike o tigil-pasada upang bigyang-pansin ang nasabing suliranin.

Aniya, may mga ginagawa na ring hakbang ang kanilang sanggunian hinggil sa issue kung kaya’t hinatyin na lamang umano ang kanilang desisyon.

Sa kabila nito, nilinaw ni Bellen na hindi pa rin naman masasabi kung may overcharging sa mga pamasahe dahil wala pa namang ibinababang taripa na mas mababa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *