Matapos ang dalawang linggong rollback – dagdag-bawas, kasado na

Kasado na ang panibagong dagdag-bawas sa presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa panibagong pagtaya ng mga taga-industriya, magpapatupad ng bawas presyo sa diesel na aabot sa P0.50 hanggang P0.70 kada litro.

May tapyas din sa kada litro ng kerosene na aabot naman sa P0.30 hanggang P0.50.

Sa gasolina, bahagyang tumaas pa ang inaasahang dagdag presyo na aabot sa P1.10 hanggang P1.30 kada litro.

Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na nakaapekto sa paggalaw ng presyo ng langis ang pagbabawas ng produksyon ng OPEC.

Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment tuwing araw ng Martes.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *